Wednesday, May 03, 2006

PARA SAYO TALAGA ITO! NAAALALA MO PA BA?



Naaalala mo pa ba noon na:

1. diyes lang ang pamasahe, kandong libre pa

2. ang babae lang ang may hikaw

3. ang preso lang ang may tattoo

4. si Erap at FPJ ay sa showbiz section lang ng
dyaryo nababasa

5. ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing
Out Loud

6. ARCEGAS at ESCOLTA ang shoppingan sa bansa

7. diyes lang ang isang basong taho

8. at kailangan mong magdala ng sarili mong baso,
kasi wala pang plastic cups noon si manong na
magtataho

9. chocnut, bukayo at kending vicks ang
pinag-gagastusan mo ng sinko mo

10. Sarsi with egg ang pampataba at star margarine,
at matamis na bao sa umaga.

11. nagkaka-kalyo ka dahil sa type writer pa ang
ginagamit mo para sa school paper mo

12. kaya uso pa noon ang carbon paper

13. at tancho o superman ang pang-ayos mo ng buhok

14. KLIM ang tinitimpla ng nanay mo para sa'yo para
inumin mo bago matulog

15. nakakapag-grocery ka na 20 piso lang ang dala

16. anim na numero lang ang kailangan mong tandaan
para tawagan ang kaibigan mo

17. computer cards ang iyung tinutupi para maging
barilbarilan

18. singkwenta sentimos lang ang songhits

19. pango pa si Vilma

20. kay paeng yabut ka lang naniniwala pag-ukol sa
panahon ang balita

21. sinkwenta sentimos lang ang pa-gupit

22. pinagtatawanan ang kalbo

23. hindi uso ang gusot ang buhok at damit

24. nakakahiya kung nakalitaw ang halfslip ng babae,
ngayon nakadisplay pa ang panty at pusod

25. lalaki pa noon si ernie maceda at senator sonny
osmena

26. hostess pa ang tawag, ngayon GRO na

27. sa escolta ka namimili ng pamasko mo

28. ang mga lola sa kalye umiihi. bukaka lang tapos
hawak ang saya sa likod at harap. patayo pa

29. payat na payattt ka pa noon

30. malago pa ang buhok mo maski na saan

31. Combo pa ang tawag natin sa mga tumutugtog sa
club;
minus one instead of magic mike, lobby lounge o bar
instead
of disco at gamusa bag /shoes instead of suede
.....

Kung naaalala mo pa yan eh ..


ANG TANDA MO NA!




source: yahoo.com